Mga Madalas Itanong

Seksyon 1557 ng Affordable Care Act

Notice of Proposed Rulemaking (Abiso sa Panukalang Paggawa ng Patakaran)

  1. Ano ang Seksyon 1557 at kailan ito naging epektibo?

Ang Seksyon 1557 ay ang probisyon ukol sa hindi pandidiskrimina ng Affordable Care Act (ACA). Ipinagbabawal ng batas ang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kasarian, edad o kapansanan sa mga programa at gawaing pangkalusugan na nakakatanggap ng tulong pinansyal ng pederal mula sa pederal na pamahalaan o pinangangasiwaan ng isang Ehekutibong ahensya o anumang entity na itinatag sa ilalim ng Titulo I ng ACA. Ang Seksyon 1557 ay ipinapatupad na simula pa nang isinabatas ito noong 2010 .

  1. Sa paanong paraan pinoprotektahan ng Seksyon 1557 ang mga consumer?

Ginagawang labag sa batas ng Seksyon 1557 para sa anumang provider ng pangangalagang pangkalusugan, gaya ng ospital o doktor, na nakakatanggap ng pondo mula sa pederal na pamahalaan na tanggihang gamutin ang isang indibidwal – o diskriminahin ang indibidwal – batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kasarian, edad o kapansanan ng indibidwal.  Ipinapataw ng Seksyon 1557 ang mga katulad na kinakailangan sa mga insurer na nakakakuha ng pondo ng pederal; pinagbabawalan sila, bukod sa iba pang nakasaad, na tanggihan o tratuhin nang masama ang isang indibidwal sa alinman sa mga pinaghihigpitang pundasyong ito.  Sa ilalim ng panukalang patakaran, nalalapat din ang Seksyon 1557 sa Health Insurance Marketplace at programang pangkalusugan na pinapangasiwaan ng Department of Health and Human Services (HHS, Departamento ng Mga Serbisyong Pangkalusugan at Pantao).

  1. Ano ang kaibahan ng panukalang patakaran sa ilalim ng Seksyon 1557 sa mga patakaran sa ilalim ng iba pang mga batas sa karapatang sibil na ipinapatupad na ng Office for Civil Rights (Tanggapan para sa Mga Karapatang Sibil)?

Pinagsasama at pinagtutugma ng panukalang patakaran ang mga dati na at mahusay na ipinatutupad na batas ukol sa karapatang sibil ng pederal, at binibigyang linaw ang mga pamantayang ilalapat ng HHS sa pagpapatupad sa Seksyon 1557 ng Affordable Care Act, kung saan nakasaad na ang mga indibidwal ay hindi maaaring tanggihan ng access sa pangangalagang pangkalusugan o saklaw sa kalusugan o kaya ay diskriminahin batay sa kanilang lahi, kulay, pinagmulang bansa, kasarian, edad o kapansanan.

Bilang karagdagan sa mga matagal na at pamilyar na prinsipyo sa mga karapatang sibil, pinangungunahan ng panukalang patakaran ang mahahalagang hakbangin.  Ang Seksyon 1557 ay ang unang batas sa mga karapatang sibil ng pederal na nagbabawal sa diskriminasyon batay sa kasarian sa pangangalagang pangkalusugan.  Ipinapaabot nito ang mga proteksyon sa hindi pandidiskrimina sa mga indibidwal na nakatala sa saklaw sa pamamagitan ng Mga Health Insurance Marketplaces at ilang partikular na plano sa saklaw ng kalusugan.  At pinapanagot nito ang mga programang pangkalusugan ng HHS sa ilalim ng mga pamantayan ng patakaran.

Pinagkakalooban ng impormasyon ng panukalang patakaran ang mga consumer tungkol sa kanilang mga karapatan sa ilalim ng batas at nililinaw sa mga sinasaklaw na entity ang tungkol sa kanilang mga obligasyon.

  1. Kasalukuyan bang ipinapatupad ang Seksyon 1557?

Ipinapatupad na ang Seksyon 1557 simula nang isinabatas ang Affordable Care Act noong 2010.  Simula noon, nakakatanggap at nagsisiyasat na ang Office for Civil Rights ng mga reklamo sa diskriminasyon sa ilalim ng Seksyon 1557.

  1. Ano ang maaari kong gawin kung sa aking palagay ay nilabag ang aking mga karapatang sibil sa ilalim ng Seksyon 1557?

Kung sa iyong palagay ay nadiskrimina ka sa pangangalagang pangkalusugan o saklaw sa kalusugan, maaari kang magsampa ng reklamo sa ilalim ng Seksyon 1557.  Pakibisita ang website ng Office for Civil Rights (OCR) sa www.hhs.gov/ocr upang hanapin ang package para sa pagrereklamo, o tawagan ang toll free na numero ng OCR sa (800) 368-1019 o (800) 537-7697 (TDD) upang makipag-usap sa isang taong maaaring sumagot sa iyong mga tanong at gumabay sa iyo sa kabuuan ng proseso.  Ang mga form ng reklamo ng OCR ay makukuha sa iba't ibang wika.  Kung kailangan mo ng tulong sa pagsagot sa iyong form ng reklamo o kung kailangan mo ang form ng reklamo sa isang alternatibong format, maaari kang tumawag sa aming toll-free na numero sa (800) 368-1019 o (800) 537-7697 (TDD) para sa tulong.  Maaari ding magsampa ng reklamo ang mga indibidwal sa ilalim ng Seksyon 1557.

  1. Bakit nagpapanukala ang Office for Civil Rights (OCR) ng patakaran na tumutugon sa Seksyon 1557?

Ipinapanukala ng OCR ang patakarang ito upang ipaalam sa mga consumer ang tungkol sa kanilang mga karapatan at upang tulungan ang mga sinasaklaw na entity na maunawaan ang kanilang mga legal na obligasyon sa ilalim ng Seksyon 1557. Hinango ang panukalang patakaran sa mga pamantayan ng apat na karapatang sibil ng pederal na binabanggit sa Seksyon 1557 at sa kanilang mga regulasyon sa pagpapatupad: Titulo VI ng Civil Rights Act ng 1964, Seksyon 504 ng Rehabilitation Act ng 1973, Titulo IX ng Education Amendments ng 1972, at ang Age Discrimination Act ng 1975.  Bukod pa riyan, ipinagkakaloob ng panukalang patakaran ang mga bagong pamantayan na nalalapat sa sekswal na diskriminasyon sa pangangalagang pangkalusugan at nagtataguyod ng mga pamantayan na nalalapat sa Mga Marketplace at programang pangkalusugan na pinapangasiwaan ng HHS.   

  1. Saan nalalapat ang panukalang patakaran?

Ang panukalang patakaran ay nalalapat sa bawat programa o gawaing pangkalusugan na nakakatanggap ng pagpopondo ng HHS, bawat programa o gawaing pangkalusugan na pinapangasiwaan ng HHS, gaya ng Indian Health Service (Serbisyong Pangkalusugan ng India) o programa ng Medicare, at bawat programa o gawaing pangkalusugan ng isang entity na ginawa ng Titulo I ng ACA.  Kabilang sa mga sinasaklaw na entity ang mga ospital, klinikang nangangalaga sa kalusugan, programa ng insurance sa kalusugan, ahensya ng Medicaid ng estado, pangkomunidad na center ng kalusugan, kasanayan ng doktor, ahensya ng pangangalagang pangkalusugan sa bahay, at ang Mga Health Insurance Marketplaces. 

Bagama't nalalapat lang ang panukalang patakaran sa HHS at sa mga programa at gawaing pangkalusugan na pinopondohan nito, ang kautusan ng Seksyon 1557 ay mas malawak na nalalapat sa mga programa at gawaing pangkalusugan na nakakatanggap ng tulong pinansyal ng pederal mula sa anumang Ehekutibong ahensya.  Ang bawat ahensya ay may awtoridad na nagpapatupad sa mga programa at gawaing pangkalusugan na pinopondohan nito; hinihikayat ng HHS ang iba pang mga ahensya na pagtibayan ang mga pamantayan sa panukalang patakaran na ito sa sariling pagpapatupad nito ng Seksyon 1557. 

  1. Nalalapat ba ang panukalang patakaran sa Mga Marketplaces?

Oo, ang Mga Marketplaces na Pinapangasiwaan ng Pederal at ang Mga Marketplaces na Nasa Estado ay sinasaklaw ng Seksyon 1557.

  1. Paano dapat ipaalam ng mga entity sa mga consumer ang tungkol sa kanilang mga karapatan?

Alinsunod sa mga hinihingi sa ilalim ng dati nang mga batas sa karapatang sibil, ipinapanukala ng HHS na iatas sa lahat ng sinasaklaw na entity na magpaskil ng abiso sa mga karapatang sibil ng consumer; ang mga sinasaklaw na entity na may 15 o higit pang mga empleyado ay kakailanganin ding sumailalim sa proseso ng karaingan ukol sa mga karapatang sibil at magtalaga ng isang empleyado na mag-uugnay sa kanilang mga pagsusumikap na sumunod. Sa ilalim ng bagong iniaatas, kakailanganin ng mga sinasaklaw na entity na magpaskil ng impormasyon na nagbibigay-alam sa mga consumer na may mga kapansanan at mga consumer na may limited English proficiency (LEP, limitadong kasanayan sa Ingles) ng tungkol sa karapatang makatanggap ng tulong sa pakikipag-ugnayan, at magpaskil ng mga tagline sa nangungunang 15 wikang sinasalita ng mga indibidwal na may LEP sa buong bansa, na nagpapayo sa mga consumer hinggil sa pagiging available ng mga libreng serbisyo ng tulong sa wika.

Upang mabawasan ang pananagutan sa mga sinasaklaw na entity, naghanda ang Office for Civil Rights (OCR) ng sampol na abiso na maaaring gamitin ng mga sinasaklaw na entity kung gugustuhin nila; malaya silang gumawa ng sarili nilang mga abiso kung gugustuhin nila.  Pinaplano rin ng OCR na isalin ang sampol na abiso sa nangungunang 15 wikang sinasalita ng mga indibidwal na may LEP sa buong bansa at gawing available ang mga naisaling abiso na iyon sa mga sinasaklaw na entity sakaling gustuhin nilang magpaskil ng mga naisaling abiso.  Bukod pa riyan, pinaplano ng OCR na ibigay ang mga tagline, sa nangungunang 15 wikang sinasalita ng mga indibidwal na may LEP sa buong bansa, na kailangang ipaskil ng mga sinasaklaw na entity.

  1. Ano ang hinihingi ng panukalang patakaran para sa mga indibidwal na may limited English proficiency (LEP)?

Pinapagtibay ng panukalang patakaran ang matagal nang prinsipyo ng Title VI na dapat gumawa ng mga makatwirang hakbang ang mga sinasaklaw na entity upang magbigay ng makabuluhang access sa mga indibidwal na may LEP.  Ang mga pamantayan ng Titulo VI na nakapaloob sa panukalang patakaran ay naiaangkop, nang isinasaalang-alang ang mga salik gaya ng katangian at kahalagahan ng pakikipag-ugnayan, at, kung may kaugnayan, ang dalas na narinig ng sinasaklaw na entity na ginamit ng indibidwal ang wika, ang mga pinagkukunang available sa sinasaklaw na entity, at iba pang mga pagsasaalang-alang. 

  1. Ano ang hinihingi ng panukalang patakaran hinggil sa mga indibidwal na may mga kapansanan?

Ang panukalang patakaran ay naaayon sa mga dati nang hinihingi sa ilalim ng Americans with Disabilities Act at Seksyon 504.  Ayon sa nabanggit, hinihingi ng panukalang patakaran ang epektibong pakikipag-ugnayan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga karagdagang pantulong at serbisyo; nagtatatag ng mga pamantayan para sa pagiging naa-access ng mga gusali at pasilidad; at hinihingi na ma-access ang mga programang ibinibigay sa pamamagitan ng electronic at information technology, maliban kung may ipapakita ang entity na mga hindi makatwirang pinansyal na pananagutan o mga pananagutan sa pangangasiwa o napakahalagang pagbabago sa katangian ng programa o gawain.  Dapat ding magsagawa ang mga sinasaklaw na entity ng mga makatwirang pagbabago sa kanilang mga patakaran, pamamaraan, at mga kasanayan upang mabigyan ang mga indibidwal na may kapansanan ng access sa mga programa at serbisyo ng isang sinasaklaw na entity, maliban kung maipapakita ng entity na malaki ang mababago sa mga programa o serbisyo kapag ginawa ito.

  1. Anong mga uri ng diskriminasyon ang nauugnay sa diskriminasyon batay sa kasarian?

Sa ilalim ng panukalang patakaran, kabilang sa sekswal na diskriminasyon, ngunit hindi limitado sa, ang diskriminasyon batay sa pagbubuntis, pagtatanging sekswal, at kinikilalang kasarian. Mahigit 25 taon na ang nakalipas, pinanindigan ng U.S. Supreme Court na ang diskriminasyon batay sa mga stereotypical na opinyon sa kasarian, kabilang kung ano ang naaangkop na gawi, hitsura o kaugalian, ay labag sa batas na sekswal na diskriminasyon.  Ang pagsaklaw ng panukalang patakaran sa diskriminasyon batay sa kinikilalang kasarian ay batay sa pasyang iyon at batas ng kasunod na kaso, pati sa mga kasanayan ng ahensya ng pederal. 

Binibigyang linaw ng panukalang patakaran ang pangako ng HHS, pagdating sa usaping pampatakaran, na ipagbawal ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, at humihingi ng komento sa kung paano maisasama ng isang pinal na patakaran ang pinakamahuhusay na hanay ng proteksyon laban sa diskriminasyon na kasalukuyang sinusuportahan ng mga hukuman.

  1. Bakit pinili ng Office for Civil Rights (OCR) na magsama ng mga probisyon na partikular na tumutugon sa patas na access sa programa batay sa kasarian sa mga programa at gawaing pangkalusugan?

Marami sa mga probisyon ng panukalang patakaran, kabilang ang mga tumutugon sa obligasyon ng mga sinasaklaw na entity upang magbigay ng makabuluhang access sa mga indibidwal na may Limited English Proficiency at epektibong pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na may mga kapansanan, ang ipinapaloob ang mga matagal nang prinsipyo ng batas sa mga karapatang sibil at samakatuwid ay magiging pamilyar sa mga entity na pinapamahalaan ng panukalang patakaran.  Ang panukalang patakaran ay nagbibigay ng karagdagang gabay sa mga larangan kung saan maaaring hindi gaanong pamilyar ang paglalapat ng mga prinsipyong ito.  Dahil ang Seksyon 1557 ay ang unang batas ng pederal sa mga karapatang sibil na nagbabawal sa sekswal na diskriminasyon sa pangangalagang pangkalusugan na pinopondohan ng pederal, naglalaman ang panukalang patakaran ng mga probisyon na idinisenyo upang partikular na turuan ang mga consumer at sinasaklaw na entity tungkol sa sekswal na diskriminasyon sa konteksto ng pangangalagang pangkalusugan.  Nagbibigay rin ang OCR ng karagdagang impormasyon tungkol sa paglalapat ng mga prinsipyo ng hindi pandidiskrimina sa insurance sa kalusugan at iba pang saklaw sa kalusugan.

  1. Ano ang hinihingi ng probisyon na partikular na tumutugon sa patas na access sa programa batay sa kasarian sa mga programa at gawaing pangkalusugan?

Hinihingi ng panukalang patakaran sa mga sinasaklaw na entity na pagkalooban ang mga indibidwal ng patas na access sa mga programa at gawaing pangkalusugan nang walang diskriminasyon batay sa kasarian at na tratuhin ang mga indibidwal alinsunod sa kanilang kinikilalang kasarian. Ang probisyong ito ay nalalapat sa lahat ng programa at gawaing pangkalusugan, kabilang ang access sa mga pasilidad, na pinapangasiwaan ng sinasaklaw na entity.   Ang ipinapanukalang ito ay sumusunod sa mga kamakailang pagkilos sa paggabay at pagpapatupad na isinagawa ng Department of Education (Kagawaran ng Edukasyon), Department of Justice (Kagawaran ng Katarungan), at ng Equal Employment Opportunity Commission (Komisyon ng Patas na Oportunidad sa Pagtatrabaho).

  1. Ano ang ipinagbabawal ng probisyon hinggil sa hindi pandidiskrimina sa insurance sa kalusugan at iba pang saklaw sa kalusugan?

Ipinagbabawal ng panukalang patakaran ang pandidiskrimina ng mga sinasaklaw na entity batay sa lahi, kulay, pinagmulang bansa, kasarian, edad, o kapansanan kapag nagbibigay o nangangasiwa ng insurance sa kalusugan o iba pang saklaw sa kalusugan.  Ang paghihigpit na ito ay nalalapat sa lahat ng issuer ng insurance sa kalusugan na nakakatanggap ng tulong pinansyal ng pederal, gaya ng mga kredito sa buwis ng premium at mga kabawasan sa cost sharing (bahagi sa gastusin) na nauugnay sa saklaw na inaalok sa pamamagitan ng Mga Marketplaces, o mga pagbabayad sa Medicare Part D. 

Sa ilalim ng panukalang probisyon, ang sinasaklaw na entity ay hindi maaaring: tanggihan, kanselahin, limitahan, o hindi sang-ayunang iisyu o i-renew ang isang polisa ng insurance; tanggihan o limitahan ang pagkakasaklaw ng isang claim, o magpataw ng karagdagang cost sharing o iba pang mga limitasyon o paghihigpit; o gumamit ng mga kasanayan sa marketing o disenyo ng benepisyo na nandidiskrimina batay sa lahi, kulay, bansang pinagmulan, kasarian, edad o kapansanan.  Hindi hinihingi ng panukalang patakaran sa mga plano na saklawin ang anumang partikular na benepisyo o serbisyo, ngunit hindi maaaring magkaroon ng polisa sa saklaw ang isang sinasaklaw na entity na magagamit sa paraang nandidiskrimina. 

Pinagbabawalan din ng panukalang probisyon ang isang sinasaklaw na entity na tanggihan ang anumang claim, o magpataw ng karagdagang cost sharing o iba pang mga limitasyon, sa anumang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na karaniwan o eksklusibong available para sa mga indibidwal ng isang kasarian, batay sa katotohanan na ang kasarian ng indibidwal noong ipinanganak, kinikilalang kasarian, o nakatalang kasarian ay iba sa mga karaniwan o eksklusibong available na serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan.

Sa ilalim ng panukalang patakaran, ang tahasang kategorikal na pagbubukod sa saklaw para sa lahat ng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na nauugnay sa pagpapalit ng kasarian ay diskriminasyong batay sa hitsura.  Dagdag pa riyan, kapag magbibigay o mangangasiwa ng insurance sa kalusugan o iba pang saklaw sa kalusugan, hindi maaaring tanggihan o limitahan ng isang sinasaklaw na entity ang pagkakasaklaw, o tanggihan ang isang claim para sa anumang mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na nauugnay sa pagpapalit ng kasarian kung ang naturang pagtanggi o limitasyon ay magreresulta sa diskriminasyon laban sa isang transgender na indibidwal.

  1. Sinasaklaw ba ng panukalang patakaran ang diskriminasyon sa pagtatrabaho?

Ipinagkakaloob ng panukalang patakaran ang limitadong pagkakasaklaw sa diskriminasyon sa pagtatrabaho.  Nalalapat ang patakaran sa pagbibigay ng mga benepisyo sa kalusugan ng empleyado ng isang employer na nakakatanggap ng tulong pinansyal ng pederal at pangunahing nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan, tulad sa ospital o nursing home.  Nalalapat din ang patakaran sa mga benepisyo para sa kalusugan ng empleyado na inaalok ng isang entity na hindi pangunahing nauugnay sa pangangalagang pangkalusugan kung nakakatanggap ang entity ng pondo mula sa pederal na nagpapatakbo sa programa sa benepisyo para sa kalusugan o sa ibang programa para sa kalusugan.  Gayunpaman, sa pangalawang sitwasyon, ang mga empleyado lang na nagtatrabaho sa programa para sa kalusugan ang masasaklaw.  Hindi binabago ng pangangasiwa sa diskriminasyon sa pagtatrabaho ng panukalang patakaran sa ilalim ng Seksyon 1557 ang mga proteksyon sa ilalim ng Titulo VII ng Civil Rights Act o ng iba pang mga katayuan sa karapatang sibil na binabanggit sa Seksyon 1557.

  1. May kasama bang pagbubukod sa relihiyon ang panukalang patakaran?

Hinihingi ng panukalang patakaran ang komento ukol sa pagkakaroon ng Seksyon 1557 ng partikular na pagbubukod para sa mga panrelihiyong organisasyon at, kung magkakaroon, ano ang dapat na saklaw ng isang pagbubukod.  Walang anumang nakasaad sa patakaran ang makakaapekto sa paglalapat ng mga dati nang proteksyon para sa mga panrelihiyong paniniwala at kaugalian, gaya ng mga batas na sumasaklaw sa provider, ng Religious Freedom Restoration Act, mga probisyon sa Affordable Care Act na nauugnay sa mga serbisyo ng aborsyon, o mga regulasyong inisyu sa ilalim ng Affordable Care Act na nauugnay sa mga serbisyong pang-iwas sa sakit. 

  1. Maaari ko bang suriin ang panukalang regulasyon?

Oo. Maaari mong suriin ang isang kopya ng panukalang regulasyon sa https://www.federalregister.gov/public-inspection, o hanapin ang isang link sa website ng OCR sa http://www.hhs.gov/ocr.

  1. Maaari ba akong kumuha ng kopya ng regulasyon sa malaking print, Braille, o ilang ibang alternatibong format?

Oo.  Upang makakuha ng kopya sa isang alternatibong format, mangyaring mag-email sa Office for Civil Rights sa 1557@hhs.gov at ibigay ang mga detalye para sa format o tawagan ang aming toll-free na numero sa (800) 368-1019 o (800) 537-7697 (TDD) para sa tulong.

  1. Kailan magsasara ang panahon ng pagbibigay ng komento ng publiko para sa Notice of Proposed Rulemaking na ito at paano ako magkokomento sa panukalang regulasyon?

Magsasara ang panahon ng pagbibigay ng komento ng publiko para sa Notice of Proposed Rulemaking na ito sa Nobyembre 9, 2015.  Maaari kang magsumite ng mga komento, na tinutukoy ng RIN 0945-AA02 (o Docket ID No. 2015-22043), sa pamamagitan ng alinman sa isa sa mga sumusunod na paraan:

Portal ng eRulemaking ng Pederal: Maaari kang magsumite ng mga komento online sa http://www.regulations.gov. Sundin ang mga tagubilin sa pagsusumite ng mga komento online. Ang mga ilalakip ay dapat nasa Microsoft Word o Excel; gayunpaman, mas gusto ng Office for Civil Rights na isumite ang mga ito gamit ang Microsoft Word.

Karaniwan, Mabilis o Panggabing Koreo sa U.S.:  Maaari kang magpadala ng mga nakasulat na komento (isang orihinal at dalawang kopya) sa mga sumusunod na address lang: U.S. Department of Health and Human Services, Office for Civil Rights, Attention: 1557 NPRM (RIN 0945-AA02), Hubert H. Humphrey Building, Room 509F, 200 Independence Avenue, SW., Washington, DC 20201. Maaaring maantala ang mga ipapadalang komento dahil sa mga pamamaraang panseguridad. Mangyaring maglaan ng sapat na panahon bago matanggap sa tamang oras ang mga ipinapadalang komento sakaling magkaroon ng mga pagkaantala sa pagpapadala.

Personal na Paghahatid o Koreo: Kung gusto mo, maaari mong ipadala (personal o koreo) ang iyong mga nakasulat na komento (isang orihinal at dalawang kopya) sa mga sumusunod na address lang: Office for Civil Rights, Attention: 1557 NPRM (RIN 0945-AA02), Hubert H. Humphrey Building, Room 509F, 200 Independence Avenue, SW., Washington, DC 20201. (Dahil hindi agad makakapasok sa loob ng Hubert H. Humphrey Building ang mga taong walang pagkakakilanlan sa pamahalaang pederal, hinihikayat ang mga komentarista na iwan ang kanilang mga komento sa mga hulugan ng liham na makikita sa pangunahing lobby ng gusali.)

  1. Maaari ba akong magsuri o magkomento sa Initial Regulatory Assessment ng Departamento hinggil sa Notice of Proposed Rulemaking na ito?

Oo.  Maaari mong suriin ang isang kopya ng Initial Regulatory Assessment ng Departamento sa Notice of Proposed Rulemaking na ito sa https://www.federalregister.gov/public-inspection, o sa website ng Office for Civil Rights sa http://www.hhs.gov/ocr.  Maaari kang magkomento sa Initial Regulatory Assessment na ito sa pamamagitan ng alinman sa mga opsyonng nakasaad sa itaas.

Content created by Office for Civil Rights (OCR)
Content last reviewed on November 12, 2015