Ang impormasyon sa OCR sa Tagalog
Ang Office for Civil Rights (OCR) ng Department of Health and Human Services (HHS) ng U.S., ang nagpapatupad sa mga pederal na batas sa karapatang sibil, batas sa kalayaan sa paniniwala at pagkakaroon ng relihiyon, sa Mga Panuntunan sa Privacy, Seguridad, at Abiso sa Paglabag ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA), at sa Batas at Panuntunan sa Kaligtasan ng Pasyente, na sama-samang pumoprotekta sa iyong mga pangunahing karapatan laban sa pandidiskrimina, kalayaan sa pag-iisip, kalayaan sa pagkakaroon ng relihiyon, at privacy ng impormasyong pangkalusugan sa mga nasasaklawang entidad.
Kung kailangan ninyo ng tulong sa pagsasampa ng sumbong, mangyaring tawagan kami sa 1-800-368-1019. Kung kailangan ninyo ng tagapagsalin, kayo ay pagkakalooban namin ng isa.
Isinalin ng OCR ang mga sumusunod na Fact Sheets sa iba't ibang wika. Kung kinakailangan ninyong ipasalin ang iba pang impormasyong nasa web site na ito, mangyaring tawagan kami sa 1-800-368-1019.
Mga Karapatang Sibil
Nakakatulong ang Mga Pederal na Batas sa Mga Karapatang Sibil na protektahan ka laban sa hindi patas na pagtrato o diskriminasyon dahil sa iyong lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, edad, o kasarian.
Kung naniniwala kang diniskrimina ka ng isang nasasaklawang entidad o nilabag nito ang iyong mga karapatang sibil (o ng ibang tao) batay sa iyong lahi, kulay, bansang pinagmulan, kapansanan, edad, o kasarian, maaari kang maghain ng reklamo sa Office for Civil Rights (OCR).
- Maghain ng Reklamo sa Mga Karapatang Sibil (To file a discrimination complaint with the Office for Civil Rights)
Ipinaliliwanag sa inyo nitong mga paunawa ang inyong mga karapatang sibil sa ilalim ng mga batas na ipinapatupad ng OCR.
- Alamin ang Inyong mga Karapatang Sibil (Know your Civil Rights)
- Pagprotekta sa Iyong Mga Karapatang Sibil sa Pangangalaga sa Kalusugan at Mga Serbisyong Panlipunan at Iyong Mga Karapatan sa Privacy sa Impormasyon sa Kalusugan (Protecting Your Civil Rights in Health Care and Social Services and Your Health Information Privacy Rights)*
- Alamin ang iyong mga karapatan kung hindi mo mabasa, sumulat, o maunawaan nang maigi ang Ingles (Know Your Rights LEP Brochure)*
- Ang Inyong Mga Karapatan sa ilalim ng Titulo VI ng Batas sa mga Karapatang Sibil ng 1964 (Your Rights under Title VI of the Civil Rights Act of 1964)
- Ang Inyong Mga Karapatan sa ilalim ng Seksyon 504 at ng Batas sa Mga Amerikanong May-kapansanan (Your Rights under Section 504 and the Americans with Disabilities Act)
- Ang Inyong Mga Karapatan sa ilalim ng Pagsiguro sa Paglilingkod sa Komunidad ng Batas Hill-Burton (Your Rights under the Community Service Assurance of the Hill-Burton Act)
- Ang Inyong Mga Karapatan bilang Taong May-impeksyon ng HIV, AIDS, o mga Kaugnay na Karamdama (Your Rights as a Person with HIV Infection, AIDS, or Related Conditions)
- Ang Inyong Mga Karapatan sa ilalim ng Batas sa Diskriminasyon Batay sa Gulang (Your Rights under the Age Discrimination Act)
Kalayaan sa Paniniwala at Pagkakaroon ng Relihiyon
Nakakatulong ang Mga Pederal na Batas sa Kalayaan sa Pag-unawa at Pagkakaroon ng Relihiyon na protektahan ka laban sa panggigipit, diskriminasyon sa batayan ng paniniwala o relihiyon, at mga pananagutan sa malayang pagkilos kaugnay ng relihiyon
Kung naniniwala kang diniskrimina ka ng isang nasasaklawang entidad o nilabag nito ang iyong kalayaan (o ng ibang tao) sa paniniwala o pagkakaroon ng relihiyon, maaari kang maghain ng reklamo sa Office for Civil Rights (OCR).
- Maghain ng Reklamo sa Kalayaan sa Paniniwala at Pagkakaroon ng Relihiyon (To file a conscience or religious freedom complaint with the Office for Civil Rights)
Privacy ng Impormasyong Pangkalusugan
Ang Panuntunan sa Privacy ng HIPAA ay isang pederal na batas na nagbibigay sa iyo ng mga karapatan sa iyong impormasyong pangkalusugan at nagtatakda ng mga panuntunan at limitasyon sa kung sino ang maaaring makakita at makatanggap ng iyong impormasyong pangkalusugan. Nalalapat ang Panuntunan sa Privacy sa lahat ng anyo ng pinoprotektahang impormasyong pangkalusugan ng mga indibidwal, nasa elektronikong anyo man, pasulat, o pasalitang anyo. Ang Panuntunan sa Seguridad ng HIPAA ay isang pederal na batas na nag-aatas ng seguridad para sa impormasyong pangkalusugan sa elektronikong anyo. Bukod dito, ang Batas at Panuntunan sa Kaligtasan ng Pasyente ay nagtatatag ng sistema ng boluntaryong pag-uulat upang pahusayin ang magagamit na data upang suriin at lutasin ang mga isyu sa kaligtasan ng pasyente at kalidad ng pangangalagang pangkalusugan, at nagbibigay ng mga proteksyon sa pagiging kumpidensyal para sa mga alalahanin sa kaligtasan ng pasyente.
Kung naniniwala kang nilabag ng isang nasasaklawang entidad ang iyong mga karapatan (o ng ibang tao) sa privacy ng impormasyong pangkalusugan o may ginawa itong ibang paglabag sa ilalim ng Mga Panuntunan sa Privacy, Seguridad, at Abiso sa Paglabag ng Health Insurance Portability and Accountability Act (HIPAA) o sa Patient Safety Act (Batas sa Kaligtasan ng Pasyente), maaari kang maghain ng reklamo sa Office for Civil Rights (OCR).
- Maghain ng Reklamo sa Privacy ng Impormasyong Pangkalusugan (To file a Privacy of Health Information complaint with the Office for Civil Rights)
- Maghain ng Reklamo sa Paglabag sa Panuntunan sa Seguridad (To file a Security Rule complaint with the Office for Civil Rights)
Paunawa
- PAGBABAHAGI NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN SA MGA MIYEMBRO NG PAMILYA AT KAIBIGAN (Sharing Health Information with Family Members and Friends)
- PAG-UNAWA SA ABISO SA MGA KASANAYAN SA PAGKAPRIBADO NG HIPAA (Understanding the HIPAA Notice)
- ANG IYONG MGA KARAPATAN SA PAGKAPRIBADO NG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN (Your Health Information Privacy Rights)
- PAGKAPRIBADO, SEGURIDAD, AT MGAELECTRONIC NA TALAAN NG KALUSUGAN (Privacy, Security, and Electronic Health Records)
* Ang mga taong gumagamit ng pantulong na teknolohiya ay maaaring hindi ganap na ma-access ang impormasyon sa mga file na ito. Para sa tulong, makipag-ugnay sa Opisina ng Sibil para sa Mga Karapatang Sibil sa (800) 368-1019, walang bayad sa TDD: (800) 537-7697, o sa pamamagitan ng pag-e-mail sa OCRMail@hhs.gov.